yahweh27
<< January 2012 >>
Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat
01 02 03 04 05 06 07
08 09 10 11 12 13 14
15 16 17 18 19 20 21
22 23 24 25 26 27 28
29 30 31





Contact Me
If you want to be updated on this weblog Enter your email here:

Jan 16, 2007

Wag Kang Makialam


Dahil wala namang bagong entry ang blog na 'to, ako'ng magpo-post. Humwahaha!

Itong si weh, mahigit isang linggo nang hindi pumapasok sa iskul dahil sa acute gastroenteritis n'ya (Tama ba'ng spelling? Kung mali, basahin mo ulit yung title ng entry na 'to), kaya ayun, walang ginawa kundi manood ng PBO sa cable TV habang nakalilis ang t-shirt n'ya at labas ang malaki n'yang t'yan. Ang sarap piktyuran at i-post dito pero baka mabatukan ako kaya wag na lang. Tingnan mo. Ako na'ng ate ako pa'ng takot mabatukan. Iba na talaga'ng panahon ngayon.

Ibang-iba na talaga ang panahon ngayon dahil kung sa 'kin nangyari ang nangyari sa kan'ya, na hindi makapasok sa iskul ng higit isang linggo nang dahil sa kasusuka nang walang humpay, mangangamba na 'kong baka hindi na 'ko makahabol pa sa mga lessons sa iskul, at mag-aaral na 'ko nang mag-aaral nang mag-isa habang sumusuka sa banyo. Di bale nang masukahan ang libro, napag-aralan ko naman. Ano ba 'tong paragraph na 'to? Puro suka. Kadiri.

Bukod sa di ko aprubadong pagpipista n'ya sa bahay, sukat ba namang sa 'kin pa pina-type ang project n'ya. Oo na binayaran n'ya 'ko ng P50 na load kaya hanggang dito na lang ang paragraph na 'to.

Acute gastroenteritis. Nung marinig n'ya ang pangalan ng sakit n'yang 'yan dun sa doktor na pinagpatsek-apan n'ya, sukat ba namang matawa. Pero sa sarili n'ya lang daw 'yon, ayon sa kwento n'ya pag-uwi. Ang akala ba naman n'ya kasi eh cute ang sakit n'ya. Humwahaha! Pinakita pa sa 'kin 'yung medical certificate na ibinigay sa kan'ya nung doktor para tiyakin kung tama nga ba ang dinig n'ya. Tsk tsk. Ano'ng gagawin mo sa taong ganito na palaging feeling cute?



Posted by gab3 at 10:50 am
Comment (1)



Oct 10, 2005

Ganda


Ang ganda ng tagboard at saka ng dancing Y!



Posted by weh at 08:17 pm
Make a comment



Oct 1, 2005

I'm Back!


I’m back after a long time that not visiting and writing to my blog. So far I am interesting to read a book to get a points to play on this computer. Because before is I cannot play on the computer because I always broke it. tnx for my sister to giving me a chance to play and use it.




Posted by weh at 07:57 pm
Make a comment



Apr 24, 2005

Ang Nakakapagod Na Araw


Ang araw ay isang pinaka mahalagang parteng sa buhay dahil dito dumadaloy ang mga mahahalagang aral natin. Ang araw ko na ito masyado akong napagod dahil sa mga bagay na di natin inaasahang mangyayari katulad ng maraming pangyayari. katulad nalang kanina himala nakumpleto kami  ng tropa  dahil masmadalang pa sa daloy ng uhog ko.  su bagay pano ko naman masasabi yon dahil madalang kami magkatagpo pag ako ang tumambay eh wala gla at pag cla naman ako naman ang wala. haaaaaaa



Posted by weh at 02:34 am
Comment (1)



Apr 23, 2005

unang araw ng blog????


hay first time ko tong magsulat kac si ate pinilit ako pero gusto rin naman. kanina balak kong bumili ng shades halos naikot ko na ang buong mall. nagsukat ako ang pangit kac hindi bagay tapos sa huli kong pinuntahan solve na kaso masyadong mahal. hum walang buhay ang kuwento kag shortgut nalang yan tinatamad kasi akong magtype eh. hehehehehe



Posted by weh at 02:20 am
Make a comment




   




BLOGDRIVE
TEMPLATES
Layout by Marianne
Picture from Stock.XCHNG